What’s been happening inside Big Brother’s house? Here are some conversations.
Matt: Have you been to the states?
Brenda: No, but I've been to Guam. My parents doesn't like the states. They want me to grow up as a true Pinay.
Matt: I've been to L.A. Legaspi Albay.
=====
Matt: Andito pa yung paru-paro (mariposa)
Mikee: Oo nga, Kuya Matt, baka dapuan ka. (to Kim) Ano ba ibig sabihin ng paru-paro?
Kim: Bakla!
=====
Guys in the bedroom:
Gerald: dude kung alam mo lang ilang beses ako mag *toot*
Matt: *snickers*
Gerald: wag ka na tumawa jan, mag-basa ka na lang bible.
Mikee: ako, ito na yung pinakamatagal kong nag-abstain
Fred: bakit ilang beses?
Gerald: sigutro mga 3...4 times
Mikee: so at least 3?
Gerald: oo
Mikee: para ka palang nagsispilyo
=====
Gerald and Mikee talking by the poolside....
Mikee: paborito ko talaga ang math...pero noong elementary ako nabo-bored ako sa math eh.
Gerald: ako din nabobored ako sa math....kasi hindi ko maintindihan eh
=====
Mikee: Oh ano yung sinasabi mo?
Kim: Ano yon, ano yon. Ano na? Kamusta. Parang ang tagal natin di nagkita.
Mikee: Ang tagal nga?
Kim: Ha?
Mikee: Buong araw.
Kim: Araw araw, nagkikita tayo. Parang nag-aano lang, ano tawag dun, sleep over.
Mikee: OO nga. Pero ang bilis natin magkakakilala na agad.
Kim: OO
Mikee: 24/7 tayong magkakasama.
Kim: OO. Kaninang nomination, kinabahan ako, akala ko ako na.
Mikee: Ako rin eh.
Kim: Di ka naman magiging ikaw eh, di naman ikaw magiging ikaw eh.
Mikee: Bakit naman
Kim: Tahimik ka parati
Mikee: Eh ikaw, imposible ring ikaw, sino ba namang may ayaw sa iyo.
Kim: Ang dami kaya, hindi ko alam.
Mikee: Ako rin hindi ko alam, pero tingin ko kasi baka ano lang talaga, minsan kasi hindi ako nakikisama.
Kim: Ako rin nga eh, nakakapagod. Gusto ko mag-isa minsan.
Mikee: Kanina nakita mo ba ako, umalis ako sa living room, nag ano lang ako sa kuwarto. Naguguluhan na naman yung isip ko eh. Ang dami kong iniisip minsan, pero okay lang yun.
Kim: Ano iniisip mo, ano iniisip mo?
Mikee: Bawal ko sabihin sa iyo, eh.
Kim: Ano ba, bakit ano ba ang iniisip mo?
Mikee: Ewan ko!
Kim: Ano ba 'to. Nakikipagusap, ayaw naman sabihin.
=====
Dahil successful sila sa Labor Day task nila last week, mabibigyan ng 1 tv set ang isang school of their choice (each housemate)... Si Matt yung naglilista ng mga recepient schools ng mga hosuemates...
Matt: Joaqui, ano sa iyo?
Joaqui: ewan ko kung nag-eexist pa...Felixberto Serrano School in Paranaque
Matt: Felixberto?! ang baho naman ng pangalan!
Joaqui: Tado! Lolo ko yan!
No comments:
Post a Comment