Saturday, April 12, 2008
Privacy Policy
This blog is a personal blog written and edited by me. This blog accepts forms of cash advertising, sponsorship, paid insertions or other forms of compensation.
The compensation received may influence the advertising content, topics or posts made in this blog. That content, advertising space or post may not always be identified as paid or sponsored content.
The owner(s) of this blog is not compensated to provide opinion on products, services, websites and various other topics. The views and opinions expressed on this blog are purely the blog owners. If we claim or appear to be experts on a certain topic or product or service area, we will only endorse products or services that we believe, based on our expertise, are worthy of such endorsement. Any product claim, statistic, quote or other representation about a product or service should be verified with the manufacturer or provider.
This blog does contain content which might present a conflict of interest. This content may not always be identified.
To get your own policy, go to http://www.disclosurepolicy.org
Extra Cash? Extra Cash? Extra Cash?
Thursday, February 01, 2007
DLSU Students Unveil ‘Sinag,’ RP’s First Solar-Powered Car
The first Philippine solar-powered car, dubbed "Sinag," was launched yesterday to highlight the country’s efforts to promote the use of alternative sources of energy.
Students and faculty members, mostly from the engineering department of De La Salle University (DLSU)-
The car resembles a pair of wings on wheels, with its solar cell-covered top surface stretching a little over six square meters. It is made out of carbon fiber and Nomex (aramid fiber) in order to keep it light — only 150 kilograms — and fast.
"This first Philippine entry to the annual solar car racing event is a fine example of how the country can rise and stand with the rest of the world in meeting such a challenge, which requires superior technology and skill," a representative of the team developing the car, said.
Sinag will be using solar cells from Sunpower, the highest efficiency solar cells in the world, also made in the
Sinag was launched at the NBC Tent in
Leading the technical working team are
The team is being assisted by the Ford Group Philippines, San Miguel Corp., Shell, Sunpower, Philippine Airlines and Ventus.
A solar car is an electric vehicle powered by energy obtained from solar panels mounted on top of the car. Solar cars are reportedly not a practical form of transportation yet as they can only operate during the day and can only carry one or two passengers.
However, they are being raced in competitions such as the World Solar Challenge, which will be held in
Conceived by fuel economy expert Hans Tholstrup in 1987, the World Solar Challenge is the biggest solar car race in the world, participated in by around 20 countries. The annual race is 3,010 kilometers long and cuts through the Australian continent, from
The main technology behind the solar car, known as the "photovoltaic cell," has been available since 1883, but incorporating this into a practical and sustainable form of transportation is said to be an ongoing process.
The solar car race reportedly seeks to further drum up support for the development of a solar car that can go toe-to-toe with fossil fuel-powered vehicles.
Extra Cash? Extra Cash? Extra Cash?
Brownies (o kung gaano kita kamahal)

Paolo A Gonzales
Philippine Collegian
Ang pag-ibig ay parang pagluluto, kailangan ng tamang sangkap at proseso.
1 c butter/margarine
1 c cocoa powder
1 c white sugar
1 1/2 c brown sugar
3 eggs
1 tsp vanilla essence
1 ½ c flour
1 tsp baking powder
1 tsp salt
Painitin ang oven sa 350 F.
Tunawin ang mantikilya. Ilagay sa mixing bowl.
Aaminin ko, nagkagusto ako sa iyo dahil nakatutunaw ang iyong lambing. Dahil sa iyo
nakipaghiwalay sa akin ang aking pag-iisa.
Ihalo ang tsokolate, pampalasa.
At hindi lang iyon— napansin ko kung gaano kaganda ang iyong mata, kung gaano
kasarap pakinggan ang boses mo, at kung gaano ka ka-hinhin. Masarap kang kausap naiintindihan mo ako tuwing inaakala ko na walang nakakaintindi sa akin. Malalim ka palang mag-isip- palaging may katuturan ang mga napag-uusapan natin.
Isunod and asukal, pampatamis.
Sweet ka pala. Di ko inakalang may nagaalala para sa akin. At sobra kang nakakatuwa,
para kang batang naglalaro sa dapithapon.
Kinikilig ako kapag nagpapatintero ang titigan ng ating mga mata. Napapangiti ako tuwing para tayong nagtataguan kapag hindi tayo nag-aabot sa kitaan.
Ihalo ang itlog para pagsamahin ang mga sangkap.
Siguro nga, nasa iyo na ang lahat ng hinahanap ko.
Lagyan ng vanilla, pampabango at pampasarap.
Isa lang ang masasabi ko— mahal na mahal na nga kita.
Pagkatapos ay ihalo ang harina, nagsisilbing katawan at laman.
Mahal kita, hindi dahil sa ikaw ang pinakamaganda, pinakamabait o pinakamalambing
na babaeng nakita ko– marami pa ang hihigit sa iyo. Importante ka sa akin dahil ikaw ay ikaw at ako ay ako- ikaw ang pinili ko, nakasama nakausap, nayakap, nakadaupang-palad, at ipinagluto.
Kahit na marami ang mas maganda, mas malambing, at mas mabait sa iyo, ikaw pa
rin ang babalikan ko.
Idagdag ang ang baking powder, pampaalsa, at ang asin, pampalasa.
Pero mahirap kapag di tayo nagkikita. Mahirap lumago ang pagmamahal kung tanging
hangin lang ang katagpo. Mapait at maalat kumbaga.
Linyahan ng mantikilya ang isang 13 in. X 9 in. baking pan. Ilipat dito ang lahat ng hinalo.
Lutuin sa oven nang 30 minuto o hanggang wala nang dumidikit kapag itinusok ang isang
toothpick sa gitna.
Sabagay, makakapaghintay naman ako. Hayaan nating uminit at lumalim ang pag-ibig
natin sa isa’t-isa- sumasarap habang tumatagal.
Sa huli, laging mas masarap kapag pinatagal ang pagluluto.
Ihahain ko na, mahal.
Extra Cash? Extra Cash? Extra Cash?
Dati
Philippine Collegian
Mas mura ang tuition at mas malapit sa bahay… bukod sa astig kasi ang Eraserheads: mga ganitong dahilan kung bakit pinili kong mag-aral sa UP. Pero syempre, kahit maipasa ko pang lahat ng college entrance exams ng Katipunan at U-belt schools, mas pipilin ko pa rin ang Peyups. Bah! Magugulat mga highschool batchmates ko, lalo na yung mga taga-pilot section namin. Dahil bilang bulakbol at tamad, nasa UP ako! Hehe..
Kaso t’wing nagkikita-kita uli kami…
HS Batchmate:O anong balita sa‘yo? Saan ka na nagka-college?
Ako: Wala, out of school youth na ‘ko. hehe…
Minsan kapag di naniwala…
Ako: Hinde…ano… diyan lang sa tabi-tabi. hehe..
Weird. Ewan ko noon kung bakit. Marahil kahit ako hindi rin makapaniwalang taga-UP
na ‘ko. Hindi pa rin ako makapaniwala. Hanggang noong freshman orientation namin noon, kasama kong kumakanta ng “UP Naming Mahal” ang libo-libong bagong iskolar galing ng iba’t ibang lalawigan ng Pilipinas. Pero bago muna iyon, bumuhos ang mga aktibista upang i-welcome kami sa pamamagitan ng matapang na speech at chant: EDUKASYON! EDUKASYON! KARAPATAN NG MAMAMAYAN!!!
Na-shock ‘ata ako nun. Pansamantala natahimik ang lahat habang nagra-rally sila sa harap namin. Oo nga pala, nasa UP na nga ako: sanktuwaryo ng malaya’t mapanuring kaisipan. Kaya’t maraming mga lider, artista, at iba pang personalidad ang naging produkto ng pamantasan.
Minsan me atempt pa kong magbasa ng dyaryo at news sa TV noon, para kahit paano magka-say sa issue. Iskolar pa mandin kami. Kaso hindi naman yata ganun ang trip na pag-usapan ng mga new classmates. “Taga-UP ka? E di aktibista ka rin?” - automatic ito minsan ng ibang tao di ba? Papayuhan ka pang huwag nang magsasama dun sa mga “magugulo”.
Sabagay, wala naman akong balak maging tibak. Maging pulitikal, o kahit anong me kinalaman sa aktibismo. Hangga’t maaari maka-iwas. Mainit at nakakapagod kayang mag-rally. Tsaka magsisi-sigaw? Nung orientation, me napagtawanan pa kaming isang rallyista, baligtad ba naman yung placard niya. hehe.
After five years…
Ka-Batch: Uy! Kamusta ka na? Nakita kita sa TV, sa rally. Muntik ka ng mahataw ng pulis dun a! Tibak ka na pala ngayon?
Ako: Hehe... Um… Medyo-medyo. (sabay kamot ng ulo.)
Umiiwas talaga ako sa mga kilos-protesta dati.
Dahil minsang nagduda sa pagiging epektibo nito upang ilaban ang mga karapatan at hinaing.
Nawalan lang lalo ng pag-asa sa mga suliranin ng bansa. Kase kesyo ugaling pinoy ang “pinagtatawanan lang” ang problema. Kesyo marami lang sa atin ang tamad, kaya marami rin ang mahihirap. Kesyo likas na sa tao ang mangurakot kapag nasa pamunuan na. Dahil kesyo andiyan na ang sistemang bulok na imposibleng baguhin. At kesyo may tinatawag na “kapalaran” at ipagpasadiyos na lamang ang kinakaharap nating krisis… tapos, tumawa na lang tayo ulit. Wala na nga bang pag-asa?
Pare-pareho lang naman ang sinasabi sa atin tuwing freshmen orientation: tayo ay iskolar ng bayan, at mula sa buwis ng mamamayang Pilipino, at dapat nating pagsilbihan ang bayan pagkagraduate.
At tayo’y may kanya-kanyang talento’t paraan kung paano ito gagawin. Pero dadaan
tayo sa pagtatalo-talo kung ano ang “kanser” ng Pilipinas at lipunang Pilipino, at sa kung ano ang “gamot”. Ngunit sa proseso lalabas at lalabas din ang pinakamatalas na linya- ang tunay na magsisilbi sa nakakarami. Noon panahon ko : krisis sa ilalim ng rehimeng Erap. Paano ngayon haharapin ang krisis naman kay Gloria?
Sa ngayon, Excited tayo sa mga maaring mangyari sa atin sa UP. At muli, hindi ako makapaniwala.
Nung freshmen orientation 2006… isa na ako sa mga tibak na nag-lightning rally. At
gaya ng inaasahan, na-shock din ang mga freshie sa amin.
EDUKASYON! EDUKASYON! KARAPATAN NG MAMAMAYAN!!!
Extra Cash? Extra Cash? Extra Cash?











