Wednesday, July 05, 2006

Kakilala Mo Ata Sila?

This was taken from a friend’s Frienster blog.

Noong June 26, dinukot si Karen Empeno at Sherlyn Cadapan kasama si Manuel Merino. Si Karen at Sherlyn ay parehong taga-UP. Si Karen nga, Socio pa. Praxis din siya at LFS. Si Sherlyn naman ay taga-CHK. Parang eroplanong nag-crash pa din sakin ito nung nabalitaan ko. Alam ko na ginigipit ang mga taong nasa labas ng akademya. Pero hanggang noong Huwebes, nang malaman ko yung kela Karen, tsaka ko pa lang naramdaman ang totoong galit sa mga ganitong nangyayari. Hindi na lamang mga konsepto sa isang diskurso sa dyaryo o sa klase ang mga taong dinudukot at ginigipit ni Arroyo. Kapareho na natin sila ng profile. Kung hindi man natin sila kilala, kakilala sila ng mga kakilala natin. Hindi na sila abstract. Hindi tayo ligtas,marahas talaga ang panahon at ang ating kaligtasan ay nakasalalay sa ating pagsagot sa mga ganitong sitwasyon. Palayain si Karen at Sherlyn! Ibagsak ang rehimen ni Arroyo!


UP Students Abducted in Central Luzon
Two students from the University of the Philippines (UP) - Diliman and a peasant organizer were abducted in Hagonoy, Bulacan las Monday.

Ms. Karen Empeño, a BA Sociology student of the College of Social Sciences and Philosophy and a member of the League of Filipino Students-UP Diliman, Ms. Sherlyn Cadapan, an award-winning triathlete from the College of Human Kinetics (CHK) and a former representative to the University Student Council of UP Diliman, together with Mr. Manuel Merino, were abducted by suspected military men at around 2 a.m, July 26.

A fact sheet prepared by a human rights group in Central Luzon, tells how the three were abducted. The report says a 14 year old witnessed the abduction by hooded men who identified themselves as "vigilantes," forcibly entering the house where the three were staying. Here is the full text of the report:

Fact-sheet
TIPO NG PAGLABAG: Pagdukot, Pambubugbog, Pananakot

MGA BIKTIMA
1. Manuel Merino
2. Shierlyn Capalan
3. Karen Impeno

PETSA AT ORAS NG PANGYAYARI: Hunyo 26, 2006 alas 2:00 ng umaga

LUGAR NG PANGYAYARI: Purok 6, Brgy. San Miguel, Hagonoy, Bulakan

MGA PINAGHIHINALAANG MAY KAGAGAWAN: Mga labinlimang kataong nakasibilyan, mga nakabonnet ng itim at nagpakilalang mga vigilante group daw sila.

BUOD NG PANGYAYARI:
Noong Hunyo 26, 2006, Lunes, alas 2:00 ng umaga ay sapilitang pumasok ang anim na mga di kilalang kalalakihang sibilyan armado ng mahahabang baril sa bahay ni Ginoong William Halili Ramos.

Anim na sibilyang naka-bonnet ng itim armado ng mahahabang baril ang kumatok sa kanilang bahay. Nag-alalang buksan ng huli ang pinto, sumilip muna siya sa bintana kasama ng kaniyang anak na si Wilfredo Ramos 14 na taong gulang. Nang di agad niya nabuksan ang pinto ay sumigaw ang isa na "bumaba ang lahat ng mga tao sa loob ng bahay kapag hindi ninyo binuksan bibilangan ko kayo!" Dito na napilitang buksan ni Ginoong Ramos ang pinto.

Pagkabukas ng pinto, agad siyang hinablot ng isang malaking lalaki, ibinalya pahiga sa semento piniringan at inilabas ng bahay kasama ang anak na si Wilfredo. Si Manuel Merino na noo'y nasa itaas ng bahay ay bumaba kaya nang makita siya ng mga armadong kalalakihan ay agad siyang binayo sa tiyan gamit ang mahabang baril kung saan ang puluhan ng baril ang pinambayo. Pagkabagsak sa semento ay itinali siya, inilabas sa bahay at isinakay sa pampasaherong dyip na nakahimpil sa humigit kumulang 100 meter mula sa bahay nila Ginoong Ramos.

Ang batang si Wilfredo na noo'y nasa labas din ng bahay ay nakitang bitbit na din ng armadong kalalakihan sina Karen at Sherlyn. Ang dalawa ay kinuha sa bahay ng kanyang tiyahin, isang bahay ang pagitan mula sa kanilang bahay. Duon natulog ang mga nabanggit. Hinubaran si Karen ng pang-itaas na damit at ginamit na pampering sa kanya. Isinakay sila sa nabanggit ding sasakyan. Bumaybay ang sasakyan direksiyon patungo sa Iba, Hagonoy.

No comments: