Proud about my Filipino heritage and my Pinoy roots, this blog would contain information about things in the colorful culture of this land. Not only would it dwell on the newest things happening, there would also be some entries on a couple of tidbits that maybe would be considered as "Onli In Da Pilipins." Mabuhay, Pinoy!
Thursday, February 01, 2007
Brownies (o kung gaano kita kamahal)
Paolo A Gonzales
Philippine Collegian
Ang pag-ibig ay parang pagluluto, kailangan ng tamang sangkap at proseso.
1 c butter/margarine
1 c cocoa powder
1 c white sugar
1 1/2 c brown sugar
3 eggs
1 tsp vanilla essence
1 ½ c flour
1 tsp baking powder
1 tsp salt
Painitin ang oven sa 350 F.
Tunawin ang mantikilya. Ilagay sa mixing bowl.
Aaminin ko, nagkagusto ako sa iyo dahil nakatutunaw ang iyong lambing. Dahil sa iyo
nakipaghiwalay sa akin ang aking pag-iisa.
Ihalo ang tsokolate, pampalasa.
At hindi lang iyon— napansin ko kung gaano kaganda ang iyong mata, kung gaano
kasarap pakinggan ang boses mo, at kung gaano ka ka-hinhin. Masarap kang kausap naiintindihan mo ako tuwing inaakala ko na walang nakakaintindi sa akin. Malalim ka palang mag-isip- palaging may katuturan ang mga napag-uusapan natin.
Isunod and asukal, pampatamis.
Sweet ka pala. Di ko inakalang may nagaalala para sa akin. At sobra kang nakakatuwa,
para kang batang naglalaro sa dapithapon.
Kinikilig ako kapag nagpapatintero ang titigan ng ating mga mata. Napapangiti ako tuwing para tayong nagtataguan kapag hindi tayo nag-aabot sa kitaan.
Ihalo ang itlog para pagsamahin ang mga sangkap.
Siguro nga, nasa iyo na ang lahat ng hinahanap ko.
Lagyan ng vanilla, pampabango at pampasarap.
Isa lang ang masasabi ko— mahal na mahal na nga kita.
Pagkatapos ay ihalo ang harina, nagsisilbing katawan at laman.
Mahal kita, hindi dahil sa ikaw ang pinakamaganda, pinakamabait o pinakamalambing
na babaeng nakita ko– marami pa ang hihigit sa iyo. Importante ka sa akin dahil ikaw ay ikaw at ako ay ako- ikaw ang pinili ko, nakasama nakausap, nayakap, nakadaupang-palad, at ipinagluto.
Kahit na marami ang mas maganda, mas malambing, at mas mabait sa iyo, ikaw pa
rin ang babalikan ko.
Idagdag ang ang baking powder, pampaalsa, at ang asin, pampalasa.
Pero mahirap kapag di tayo nagkikita. Mahirap lumago ang pagmamahal kung tanging
hangin lang ang katagpo. Mapait at maalat kumbaga.
Linyahan ng mantikilya ang isang 13 in. X 9 in. baking pan. Ilipat dito ang lahat ng hinalo.
Lutuin sa oven nang 30 minuto o hanggang wala nang dumidikit kapag itinusok ang isang
toothpick sa gitna.
Sabagay, makakapaghintay naman ako. Hayaan nating uminit at lumalim ang pag-ibig
natin sa isa’t-isa- sumasarap habang tumatagal.
Sa huli, laging mas masarap kapag pinatagal ang pagluluto.
Ihahain ko na, mahal.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
3 comments:
Mmmmmm, those brownies look gooooood.
nakakagutom naman...
wala nako basaha ang post, ako lang gibasa ang kinataposan nga linya ug gitanaw ang hulagway nga brownies ug ang title, murag dili man pinoy ang brownies diba? :D pero ok lang kay personal blog man ni :) lami!
Post a Comment