Me, Myself At Ako…
Mamahalin ko ang sarili ko
Ipapakita ang tunay na ako
Di lang puro gimik, text at japorms ang iisipin
Maski sa school at bahay, lagi akong sisipagin
Hindi ako malululong sa masamang bisyo
Di ko trip bumarkada sa mga loko-loko
Bukas ang loob sa anumang puwedeng matutunan
Focus ng buhay ko ang maayos na kinabukasan
Kapamilya ko, kabarkada ko
Mamahalin ko ang aking pamilya
Uunawain at kikilalanin kung sino sila
Di huhusgahan ang pagkakamali nina nanay at tatay
Ayokong maging pasaway
Magiging responsableng kapatid kina bro at sis
Pagtulong sa bahay, di ako maiinis
Anuman ang marating ko sa buhay
Bawat tagumpay, sa kanila ko iaaalay
Heya world! Pinoy ako!
Mamahalin ko ang bansang Pilipinas
Susunod ako sa lahat ng batas
Tatangkilikin ang mga produktong sariling atin
Gawang Noypi, in na in sa akin
Aalagaan ko ang aking paligid
Sa mga kapwa Pilipino, di magiging manhid
Saang lupalop man sa mundo ako mapunta
Pinoy pa rin ako, wala ng iba
Gudtaym is Godtaym
Mamahalin ko ang Panginoong Diyos
Isasapuso ko lahat ng Kaniyang utos
Lagi akong magdarasal
Ibabahagi sa iba ang Kaniyang pag-ibig at aral
Hindi ko makakalimutan ang magpasalamat
Sa Kaniya, ako ay magiging karapat-dapat
Wala nang mas hip at cool pa sa Kaniya
Sa buhay ko, Siya ang Idol na palaging Bida!
Kabataang Pinoy ako sa isip, salita at gawa
Sa bahay ni Kuya, ako ay magsisimula
Isasabuhay ko ang teen commandments na ito
Para kay Big Bro at sa mga kabataang tulad ko
Proud about my Filipino heritage and my Pinoy roots, this blog would contain information about things in the colorful culture of this land. Not only would it dwell on the newest things happening, there would also be some entries on a couple of tidbits that maybe would be considered as "Onli In Da Pilipins." Mabuhay, Pinoy!
Thursday, April 27, 2006
Teen Commandments: Pinoy Big Brother Teen Edition
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment